Inutusan ng Land Transportation Office (LTO), si Yanna MotoVlog na isuko ang kanyang driver’s license matapos na hindi ito sumipot sa pagdinig nitong Martes ng hapon.
Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang pagsuko ng driver’s license ay bahagi ng sanction na ipinataw kay Yanna Motovlog matapos itong masangkot sa road rage incident sa Zambales kamakailan.
“We imposed a 90-day preventive suspension on her driver’s license as part of the ongoing investigation into the incident. In the light of her absence during the hearing, we mandated her, through her legal counsel, to surrender her driver’s license. That is for her own good,” paliwanag ni Mendoza.
Sinabi naman ng legal counsel ni Yanna Motovlog na pinili ng kanyang kliyente na hindi dumalo para sa seguridad, dahil marami umano itong natatanggap na pagbabanta at insulto pagkatapos ng insidente. Aniya, handa siyang tanggapin ang mga parusang ipapataw ng Land Transportation Office kaugnay ng insidente.
