Balita

Libreng School Supplies handog ng Olongapo City PNP

Olongapo City – Naghandog ng libreng school supplies ang Olongapo City PNP sa Iram Elementary School ng Olongapo City nito lamang Biyernes, Setyembre 30, 2022.

Olongapo City – Naghandog ng libreng school supplies ang Olongapo City PNP sa Iram Elementary School ng Olongapo City nito lamang Biyernes, Setyembre 30, 2022.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Joan Sibayan, Officer-In-Charge ng Olongapo City Mobile Force Company kasama ang Olongapo City Police Office-Station 1, 2, at 3.

Tinatayang 100 na mag-aaral ang nabigyan ng libreng school supplies at nagkaroon din ng feeding program.

Labis ang saya at pasasalamat ng mga bata at mga guro sa libreng handog ng Olongapo City PNP.

Layunin nito na mas ilapit ang ating pulisya sa mga bata at maitanim sa isip at puso na ang PNP ay maaasahan at tutulong sa lahat ng oras at mas mapaigting ang ugnayan ng PNP at komunidad.

From: Olongapo City Police Office

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

twelve + seventeen =

Most Popular

Copyright © 2022 Inside Gapo

To Top