Balita

Disqualification case hinain sa Team Paulino sa Olongapo

Sinampahan ng disqualification case sa tanggapan ng Commission on Election (Comelec) ang kampo ni incumbent Mayor Rolen Paulino Jr.

 Sinampahan ng disqualification case sa tanggapan ng Commission on Election (Comelec) ang kampo ni incumbent Mayor Rolen Paulino Jr. kaugnay sa lumabas na video na nakunan sa isang mall sa lungsod ang pamimigay sa publiko umamo ng ayuda noong Huwebes at Biyernes Santo.

Ang kaso ay hindi lamang tungkol sa paglabag sa Comelec Resolution No. 10999, na nagbabawal sa anumang aktibidad ng pangangampanya sa Huwebes at Biyernes Santo. Ito ay tungkol sa mga anino ng kapangyarihan, mga saksi na handang magsalita, at isang video na nagdulot ng kontrobersiya.

Unang naghain ng disqualification case si City Councilor Kaye Ann Legaspi na tumatakbong Vice Mayor na kung saan ay una siyang nagbigay ng pahayag sa pamamagitan ng isang post sa kanyang  facebook page kaugnay sa insidente.

Samantala, nakatakda ring maghain ng kaparehong kaso si Atty. Prudencio Jalandoni ng Team Vegafria na tumatakbo rin bilang vice mayor ng lungsod.

“Mayroon mga lumapit sa atin na mga taga-Olongapo na nakasama sa bigayan ng ayuda at nakahanda silang tumestigo laban sa mga Paulino,” ayon kay Jalandoni.

Ang video, isang ebidensya na nag-viral sa social media, ay magiging sentro ng imbestigasyon. Hihingin ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) upang ma-authenticate ang mga imahe, upang malaman ang katotohanan sa likod ng mga anino. Si Atty. Lenj Paulino, kasama ang kanyang mga konsehal, ay nakunan sa video, nagbibigay ng “biyaya” sa gitna ng katahimikan.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

12 − 4 =

Most Popular

Copyright © 2022 Inside Gapo

To Top