Pasyalan

Panukala para maging ganap na tourist destination ang Mapanuepe Lake, pasado na sa ikatlong pagbasa ng kongreso

Pasado na sa ikatlong pagbasa ang House Bill No. 10560, ang panukala ni Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun na naglalayong ideklara ang Mapanuepe Lake sa Aglao, San Marcelino bilang ganap na Tourist Destination.

Ayon kay Cong. Khonghun, sakaling maging ganap na batas na ang panukala ay maisasama na sa National Tourism Development Plan ng Department of Tourism ang lugar. Ibig sabihin, mas maipapakilala pa ito ng DOT at mapopondohan na rin maging ang mga infrastructure projects papunta sa nasabing pasyalan.

Kasama rin umano dito ang  pagtatayo ng Lake Mapanuepe Tourism Center na siyang mamamahala sa ipinagmamalaking destinasyon. Ang Mapanuepe Lake ay isa sa mga lugar na dinarayo sa lalawigan ng mga turista na tinatawag ring “New Zealand ng Zambales” dahil sa ganda nito.

From Brigada

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ten + nineteen =

Most Popular

Copyright © 2022 Inside Gapo

To Top