Balita

Duterte, Dinala sa ICC The Hague Matapos Mahuli sa Pilipinas

Nahuli sa Pilipinas ang dating Pangulong Rodrigo Duterte at dinala patungong International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands

Nahuli sa Pilipinas ang dating Pangulong Rodrigo Duterte at dinala patungong International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands upang humarap sa paglilitis. Ang ICC ay ang pinakamataas na hukuman na humahatol sa mga kasong genocide at krimen laban sa sangkatauhan.  

Ayon sa ulat ng Associated Press, ang 79-anyos na si Duterte ang kauna-unahang dating lider sa Asya na inaresto ng ICC. Siya ay hinuli noong ika-11 ng buwan batay sa warrant of arrest ng ICC at dinala sa Netherlands noong ika-12. Kinasuhan siya ng krimen laban sa sangkatauhan kaugnay ng kanyang madugong kampanya kontra droga.  

Ipinaglalaban ng kanyang mga tagasuporta na walang hurisdiksyon ang ICC sa kanya, dahil iniurong niya ang Pilipinas mula sa Rome Statute noong 2019. Gayunman, iginiit ng mga hukom na ang mga krimen na iniuugnay sa kanya ay naganap bago pa man ang pagkalas ng bansa sa ICC, kaya may kapangyarihan ang korte na litisin siya.  

Ang detention center ng ICC ay matatagpuan sa Scheveningen, isang coastal suburb sa The Hague, halos 1.5 kilometro ang layo mula sa punong tanggapan ng korte.  

May access ang mga detenido sa mga libro, telebisyon, at balita. Maaari rin silang gumamit ng gym. May computer din silang magagamit para sa kanilang depensa at maaaring kumuha ng training kung kinakailangan. Pinapayagan din ang dalaw ng pamilya.  

Ayon sa mga larawang inilabas ng ICC, ang pasilidad ay may common area na may foosball table, kusina, mesa, at mga upuan. Mayroon ding maliit na medical facility.  

Ang bawat selda ay may kama, mesa, kabinet, palikuran, lababo, telebisyon, at intercom system na ginagamit upang makipag-ugnayan sa mga guwardiya kapag nakakandado ang pinto.  

Sakaling mapatunayang nagkasala, hindi sa The Hague makukulong si Duterte kundi ililipat sa isang kulungan sa ibang bansa.

From Rti

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

2 × five =

Most Popular

Copyright © 2022 Inside Gapo

To Top