Nahuli na si Dennis Sytin: Uusad na nga ba ang Kaso ng Pagpatay kay Dominic?
Naaresto na sa Malaysia si Dennis Sytin, ang itinuturong utak sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Dominic Sytin noong 2018. Matagal nang usap-usapan ang kasong ito, ngunit ngayong nahuli na siya, inaasahang magkakaroon ng linaw ang mga isyu.
Ano ang Ugnayan ni Dennis sa Krimen?
Matatandaang itinuturo ng gunman na si Edgardo Luib si Dennis bilang mastermind. Ayon kay Luib, kinontak siya ng kaibigang si Ryan Rementilla (kilala rin bilang Oliver) upang patayin si Dominic. Sinabi niya na ito’y sa utos umano ni Dennis.
May Pag-aalinlangan sa mga Paratang
Subalit, lumabas noon sa imbestigasyon ng NBI na walang direktang ebidensiya laban kay Dennis. Sumailalim pa siya sa polygraph test, at ayon sa NBI, negatibo ang resulta. Dahil dito, nagkaroon ng pagdududa kung siya nga ba talaga ang mastermind.
Nagbago ang Salaysay ng Gunman
Noong Enero, naglabas ng panibagong salaysay si Luib. Sa kanyang bagong pahayag, sinabi niyang walang kinalaman si Dennis sa krimen.
“I made a grave mistake, and I can no longer carry the burden of my false declaration,” Luib said. “Mr. Dennis Sytin is not responsible for his brother’s death. I hope this is my way of showing repentance.” from EuroTVPH
Ang pagbabago ng salaysay na ito ay may malaking epekto sa takbo ng kaso.
Ano ang Dapat Gawin Ngayon?
Ngayong parehong naaresto sina Dennis Sytin at Ryan Rementilla, nararapat lamang na muling busisiin ang kaso. Kung walang kinalaman si Dennis, kailangang mapawalang-sala siya. Dapat ding panagutin ang tunay na salarin sa likod ng pagpatay kay Dominic.
Paghahanap ng Hustisya
Sana’y maresolba na ang kasong ito. Matagal nang naghihintay ang pamilya at publiko ng malinaw na katotohanan. Higit sa lahat, nararapat lamang na mabigyan ng ganap na hustisya ang pagkamatay ni Dominic Sytin.
*** Nailathala na din natin dito noon ang tungkol sa kasong ito.
