Ano na nga pala ang nangyari sa kasong ito? Madami na ang angulong lumabas, nagsalita na ang gunman, pero wala pa ding usad ang kasong ito. Taon na ang binibilang ng kasong ito, wala pa din linaw kung sino talaga ang nasa likod ng pagpaslang kay Dominic Sytin. Totoo na itinuturo ng gunman ang kapatid ng napaslang, si Dennis Sytin, na siyang mastermind daw sa pagpaslang sa negosyateng ito, pero ano nga ba ang totoo? ang daming butas ng kwento ng gunman, at hanggang ngayon hindi pa din nahuhuli ang isa pang kasabwat na si Ryan Rementilla, na maaring makapagbigay pa ng mga mahahalagang impormasyon para sa lalong ikalulutas ng kasong ito.
Ngayon, balikan natin pasumandali ang kwento ng kasong ito ayon sa mga naglabasang mga balita, statements at komento ng mga nasasangkot sa kasong ito.
“I am innocent.” – Dennis Sytin on Dominic Sytin Killing
Ito ang iginiit ng kapatid ng pinaslang na United Auctioneers Inc. founder na si Dominic, sa pagkakaugnay niya sa gunman na si Edgardo Luib.“I did not nor did I have anything to do with the killing of my brother. Therefore, the charge against me that I masterminded his death is a great injustice to me, my wife and children and to my slain brother Dominic and our mother,” dagdag pa ni Dennis sa inilabas nitong pahayag.
Ito ay matapos siyang iturong mastermind ng Philippine National Police sa pamamaslang sa kapatid nito.
Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, may ugnayan umano si Dennis sa gunman para patayin ang kanyang kapatid
“This high-profile murder of Dominic Lim Sytin was apparently motivated by rivalry among corporate siblings, and carried out through a gun-for-hire contract with a hitman,” ayon sa PNP chief.
Naaresto sa Filinvest Subd, Sta Maria, Sto Tomas, Batangas si Luib noong Marso 5, nakuhanan ng ilang high powered firearms maging isang pakete na hinihinalang marijuana.
Kung ating susuriin, maaring may katotohanan din ang sinasabi ng gunman na siya ay inupahan lamang para patayin ang negosyanteng si Dominic at ito ay sa utos umano nila Dennis at Ryan. Pero gaano din ba katotoo na ang NBI, isa sa pinaka-mapagkakatiwalaang ahensya ng gobyerno lalo na sa larangan ng pag-iimbestiga, ay sinabing walang bahid ng ebidensya na maaring direktang magturo kay Dennis tungkol sa pagpaslang sa kapatid nito na si Dominic. Bakit kaya hindi matapos tapos ang kasong ito at malaman ang totoong nasa likod ng pagpaslang sa negosyanteng si Dominic?
“I am being used as a scapegoat while those who are truly responsible for the crime are free and seemingly no longer the subject of investigation — this despite the statement of PNP Chief [Oscar] Albayalde that he still ‘does not consider the case closed,” Dennis said in a statement – May katotohanan kaya ang sinasabing ito ni Dennis na siya ay ginagawa lamang sangkalan para mapagtakpan ang totoong may sala? Abangan natin ang iba pang mga pangyayari sa kasong ito. Babantayan at susubaybayan ito ng mga batang gapo.