Balita

Aksidente sa Olongapo City, 4 ang patay

Apat ang naiulat na nasawi matapos salpukin ng isang dump truck ang isang kotse sa Barangay New Cabalan sa Olongapo City nitong Linggo ng gabi.

Apat ang naiulat na nasawi matapos salpukin ng isang dump truck ang isang kotse sa Barangay New Cabalan sa Olongapo City nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap sa national highway, malapit sa kanto ng Purok 5 ½, Brgy. Cabalan nitong Nobyembre 12 ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga binawian ng buhay na sina Robie Renz Tui, driver, Veronica Ng; Romnick Tui, at isang alyas “Balong” na pawang taga-Brgy. Ipag, Mariveles, Bulacan.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck na si Domingo Firmo, taga-Marilao, Bulacan.

Patungo na sana sa Bataan si Firmo mula sa Olongapo City at minamaneho ang naturang truck nang mawalan ng kontrol sa manibela.

Sinakop ng truck ang kabilang linya ng kalsada hanggang sa sumalpok sa kasalubong na kotse na sinasakyan ng apat.

Dead on arrival sa James L. Gordon Memorial Hospital amg apat dahil sa matinding pinsala sa katawan, ayon pa sa pulisya.

Inihahanda na ang kaso laban kay Firmo.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

16 + ten =

Most Popular

Copyright © 2022 Inside Gapo

To Top