Balita

Pamilya ni Jennifer Laude dismayado nga ba?

Jennifer Laude

Sang-ayon ba kayo sa kinalabasan ng kasong ito? Ganun na lang ba yun? Nabigyan nga ba ng hustisya ang pagkamatay ni Jennifer Laude? Ano sa palagay nyo mga batang gapo?

Balikan natin pasumandali ang kaso ni Jennifer Laude.

Noong taong 2020 ay kinundena ng pamilya ni Jennifer Laude ang pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pardon sa pumatay na US Marine Joseph Scott Pemberton.

Si Laude ay isang transgender na Pilipinong pinatay ni Pemberton sa pamamagitan ng paglunod sa kanya pagkatapos nilang magcheck-in sa isang motel.

Kinuwestiyon ng kampo ng pamilya ng transgender Pinay na si Jennifer Laude ang utos ng korte para sa maagang pagpapalaya kay Pemberton. Ipinag-utos ng isang korte sa Olongapo ang pagpapalaya kay Pemberton na na-convict sa pagpatay sa transgender woman na si Jennifer Laude noong 2015.

Ayon kay Virgie Suarez, abogado ng pamilya Laude, kuwestiyonable ang ebidensiya sa maganda umanong pag-uugali ni Pemberton sa kulungan. Pinagdudahan din ang kawalan ng rekomendasyon ng screening and evaluation committee ng Bureau of Corrections. Nakapiit si Pemberton sa isang pasilidad sa Camp Aguinaldo, imbes na sa regular na kulungan, alinsunod sa probisyon ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Giit naman ng abogado ni Pemberton na si Rowena Flores, dapat ipatupad agad ang utos na pagpapalaya sa kaniyang kliyente. 

“Dapat po immediate ‘yan. This situation is peculiar, bakit kanyo, eh tapos na nga ‘yung sentensya niya, hindi ho pwedeng basta may mag-file ng kahit ano lang du’n eh pipigilan mo ‘yung paglabas ng tao. Wala na hong dahilan para pigilan ang paglabas niya,” ani Flores. 

Ang sentensya kay Pemberton ay 6 hanggang 10 taong pagkakabilanggo dahil sa homicide. Ibinaba ang hatol noong 2015. Kung bibilangin, sa darating na Oktubre ang ika-6 na taon mula ang pagpaslang kay Laude, ngunit ayon sa kampo ni Pemberton, napagsilbihan na nito ang mahigit 10 taong kulong na maximum penalty para sa kasong homicide.

Sang-ayon ba kayo sa kinalabasan ng kasong ito? Ganun na lang ba yun? Nabigyan nga ba ng hustisya ang pagkamatay ni Jennifer Laude? Ano sa palagay nyo mga batang gapo?

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

3 × 5 =

Most Popular

Copyright © 2022 Inside Gapo

To Top