Balita

Rodrigo Duterte arestado sa NAIA dahil sa ‘crimes against humanity’

INARESTO ng mga otoridad si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA 3) ngayong araw March 11, dahil sa “crimes against humanity”

INARESTO ng mga otoridad si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA 3) ngayong araw March 11, dahil sa “crimes against humanity”.

Kinumpirma ng Malacañang na nasa custody na ng Philippine National Police at Criminal Investigation and Detection Group ang dating pangulo.

Sa official statement ng Presidential Communications Office, pagdating ni Duterte sa Maynila, inihain ng isang prosecutor general mula sa International Criminal Court (ICC) ang warrant of arrest.

“Kaninang madaling araw, natanggap ng INTERPOL Manila ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

“Sa kanyang pagdating, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan,” pahayag ng PCO.

Ngayong araw bumalik sa Pilipinas si Duterte matapos mamalagi ng ilang araw sa Hong Kong via flight CX-907 pasado alas-9 nang umaga.

Ayon sa ulat, kasama ni Duterte ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña at anak na si Veronica “Kitty” Duterte. Sinamahan din siya ni former executive secretary Salvador Medialdea.

May lumabas ding report na habang nasa loob ng sinakyang eroplano, narinig umano si Duterte na nag-dialogue ng, “You will just have to kill me kung hindi ako papayag, kung kakampi ka diyan sa mga puti.”

Naging mahigpit ang seguridad sa NAIA Terminal 3 habang hinihintay ang pagdating ni Duterte mula sa Hong Kong.

Naispatan doon sina Philippine National Police chief Police General Rommel Marbil at Criminal Investigation and Detection Group chief Major General Nicolas Torre III. Present din ang isang representative mula sa Interpol.

Matatandaang sinabi ni Duterte na handa siyang harapin ang kanyang mga kaso bilang isang abogado at hindi wala siyang balak tumakas patungong ibang bansa.

Mariin niyang dinenay na lumipad siya patungong Hong Kong last weekend para takasan ang kanyang arrest warrant. Nasa HK daw siya para sa isang event ng mga OFW kasama ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.

“Susmaryosep. Mas lalo akong mahuli dito (sa Hong Kong). I am here as a visitor. We do not enjoy any privileges here. Tsaka kung magtago ako, hindi ako magtago sa ibang lugar. Diyan ako sa Pilipinas. Diyan mo ako hindi makita,” sabi ni Duterte sa panayam ng GMA.

From Bandera

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

2 × 3 =

Most Popular

Copyright © 2022 Inside Gapo

To Top